Mangingisda pinaalalahanan dahil sa bagyong Karen

MAHIGPIT na pinayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga mangingisda at iba pang maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang maglayag sa
Eastern sea boards ng Northern Luzon, Southern Luzon at Visayas.

Batay sa ulat ng PAGASA sa gale warning nito na ito ay dahil sa ‘rough to very rough sea conditions’ sa mga naturang sea board dahil sa bagyong Karen.

Ayon sa PAGASA, maglalaro sa pagitan ng 3.4 hanggang 5 metro ang taas ng alon sa mga apektadong sea board kaugnay ng bagyong Karen.

Iniulat ng PAGASA na isang low pressure area naman ang namataan sa 320 kilometro Kanluran ng Bataan na inaasahang magpapaigting sa habagat at magdadala ng mga pag-ulan sa Metro Manila gayundin sa Cavite, Laguna, Rizal, Quezon, Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan gayundin sa Western Visayas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply