Mangingisda pinaulanan ng bala, todas

CAVITE—— Dead on the spot ang isang mangingisda matapos paulanan ng bala habang nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay sa Rosario, Cavite kagabi.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director PSSupt. John C. Bulalacao, kinilala ang biktima na si Rolly Ledesma Y Sanico, 23-anyos, binata at residente ng Ca Capt. J Luna St. Brgy. Ligtong 1, Rosario, Cavite.

Tumakas naman ang hindi nakilalang suspek tangay ang baril na ginamit sa krimen.

Sa imbestigasyon ni PO1 Raniel  W. Granado, may hawak ng kaso, dakong ala-1:25 ng madaling araw nang maisipan ng biktima na lumabas at maglakad-lakad sa harapan ng kanilang bahay ng walang kaabog-abog na bumulaga sa harapan nito ang suspek na armado ng 30 mm carbine rifle at walang sabi-sabing pinagbabaril ito sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa pagresponde ni PO3 Sosa, nakita ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Narekober naman 17 bala ng nasabing baril.

Inaalam pa kung may kinalaman ang krimen sa operasyon ng iligal na droga at mga nakawan sa kanilang barangay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply