Manok ng LP hahatakin ng rating ni PNoy

HAHATAKIN pataas ng mataas na trust at satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga “manok” ng Liberal Party sa darating na 2013 senatorial elections.

Ito ang ginawang pagtaya ni Cavite Rep. at incoming Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya dahil ito aniya ang kabutihan ng pananatili ng mataas na rating ng presidente para sa mga kakandidatong senador ng LP.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), pumalo sa +67 o very good ang satisfaction rating ni Pangulong Aquino.

Nilinaw din ni Abaya na bagama’t makikinabang ang mga LP candidate mula sa rating ng Pangulo, hindi umano ito nangangahulugan na maging kampante o hindi na dapat magtrabaho ang mga nasabing kandidato.

Ani Abaya, matatalino na ang mga botante at tiyak na ibabatay ng mga ito ana track record, performance at integridad ng isang kandidato sa oras ng halalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply