Manunumbalik ang lakas sa maikling pahinga

ANG sabay-sabay na mga gawain sa bahay at sa opisina ang palaging nakikita natin na ginagawa ng magulang natin.

Sa tingin, akala natin ang lahat ng bagay ay madali sa kanila. Mula alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi nasa opisina. Pagdating sa bahay, gawain bahay naman ang ginagawa ng magulang natin.

Kailangan din nila magkaroon ng maikling pagkakataon upang magpahinga, kailangan wala silang ginagawa sa loob ng ilang minuto, upang ito ay makatulong manumbalik ang lakas nila.

Makapagpahinga, nang lalo kayong makagawa ng mabuti at payapa sa buong maghapon.

Isang maikling pahinga sa loob ng 5 hanggang 10 minuto ay makapgbibigay tatag sa inyong enerhiya. Kapag nakasanayan na ito, kayo ay nakararamdam ng ginhawa.

“Kapag kayo ay nagkaroon ng maikling pahinga sa buong maghapon, kayo ay magkakaroon ng pangkalahatang panumbalik na lakas”.

Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga manggagawa na nagpapahinga ng makaapat na beses bawat oras ay nagkakaroon lamang ng 30 segundo bawat isa, na sinusundan ng 14 na minutong pahinga pagkaraan ng 2 oras na pag-upo sa harap ng computer, ay nailahad na may mas mataas na pagganap at nagtatrabaho nang mas mabilis at mainam sa kanyang mga kasamahan.

Palaging kumilos (Get moving) para sa agarang pagtaas ng enerhiya, iwanan muna ninyo ng 10 minuto ang marami ninyong gawain. Lumabas sandali sa inyong opisina maglakad-lakad at mag-relax.

Ang paglalakad maski na 10 minuto lamang ay nakapagpapataas ng enerhiya sa loob ng 2 oras. Samantalang ang sugar snack ay inisyal na nakapagpapataas ng enerhiya, subalit pagkaraan ng isang oras ay halos wala na ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply