Mapang-abuso sa hayop sinampulan ni Biazon

ABALA man sa pang-araw-araw niyang gawain bilang puno ng Bureau of Customs, hindi pa rin lumusot kay Commissioner Ruffy Biazon ang tangkang pagpapalusot ng tiwaling negosyante sa ilang produktong mula sa endangered species.

Pilit na nililinis ni Biazon ang Aduana mula sa mga buwaya, subalit talagang sinusubukan ang kanyang tikas at kakayahan ng mga tiwali at abusado na kapag hindi napigilan ay patuloy na mananalasa sa yaman ng gobyerno.

Kaya naman kahit pinatigas ni Biazon ang kanyang puso ay may malambot pa rin itong bahagi na nagpapakita ng kanyang pagmamahal sa mga hayop lalo na sa mga endangered species. Heto nga’t lubos na suporta ang kanyang ipinamalas sa pandaigdigang kampanya para sa pangangalaga ng endangered species o rare animals.

Ang pagkakahuli ng P73 milyong halaga ng “hot horns” ay patunay nang tuloy-tuloy ang kampanyang ginagawa ng tanggapan ni Biazon laban sa mga smuggler.

Halos lahat ng mga tauhan ni Biazon ay nakaalerto sa mga paliparan at daungan kaya naman napakahirap palusutan ng kahit na ano pa man ang kargamento o kontrabando.

Kaya sa pagkakasabat ng BOC sa “ginintuang” sungay na sinasabing gamot sa cancer sa Asya, ito ay maikokonsiderang malaking tagumpay sa ginagawang pagsuporta ng Pilipinas sa Convention on International Trade in Endangered Species (CITES).

Ang walang humpay na pagkumpiska at panghuhuli sa mga nais magpalusot sa bansa ng mga kontrabando ay patunay na walang puwang sa pamunuan ni Biazon ang mga mandarayang negosyante.

Kailangang mabigyan daw ng leksyon ang mga magnanakaw na walang pinipili na kahit daw ang mga hayop na malaking tulong sa kalikasan ay hindi binibigyang halaga.

Nakatutuwa namang walang kakurap-kurap na binalaan ni Biazon ang mga smuggler na tigilan na ng mga ito ang kanilang iligal na gawain dahil habang siya ang nakaupo sa puwesto ay hindi ito titigil sa pagpapatino sa kanyang kawanihan.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com


Leave a Reply

*
OHHH KAPAY? BAKIT KA AFFECTED? WAHAHAHAHA IDOL MO ...
KAPAY KAPAY ... EASY EASY ANG BLOOD PRESSURE ,O LO...
NYAHAHAH KAPAY DI NA BUMENTA YANG PRALALA MO NA CO...
nyahahahah si Luis gagastos ng/ engagement ring s...
nyahahahah ' kapay' yung Starlet ninyong malaki a...
nyahahahah " kapay" hayan halatang nagsisinungalin...
nyahahahaha 'kapay' bhukeet alang Commercial load...
nyahahahhaha korek pero wala sa report nila yung...
SINO KAYA MATANGGAL SA SASY FLOP HAHAH WAWA MAWALA...
NYAHAHAH MASAKIT TANGAPIN NA TALUNAN KUNG ANO ANON...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.