Mar, Abaya lulusot sa CA – Enrile

TINIYAK Senate President Juan Ponce Enrile na walang kahirap-hirap na makalulusot kaagad sa Commission on Appointment (CA) ang nominasyon nina Secretary Mar Roxas sa Department of Interior and Local Government; at Cavite Rep. Emilio Abaya sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Sa phone patch interview nitong Biyernes, sinabi ni Enrile na nominado lamang sina Roxas at Abaya dahil hindi maaaring magbigay ng ad interim appointment si Pangulong Benigno Aquino III habang may sesyon ng Kongreso.

“They are nominated because nomination yan, their appointment will not be effective because the President cannot issue an ad interim appointment to them. So these are nominations,” paglilinaw ni Enrile.

Sinabi pa ni Enrile na wala siyang nakikitang problema sa kumpirmasyon ng nominasyon ng dalawang kalihim maliban na lamang kung may maghahain ng oposisyon.

“I don’t know that there will be such an opposition,” ani Enrile.

Dahil dito, inatasan ni Enrile ang kanyang tanggapan na kapag natanggap ang papeles ng dalawa, kaagad isumite ang nomination papers nina Roxas at Abaya sa CA upang masimulan kaagad ang deliberasyon bago magbakasyon ng Kongreso sa Setyembre.

“I have instructed my office that as soon as the nomination of Mar Roxas for DILG, and Congressman Abaya for DOTC are received in my office, to immediately transmit them to the Commission on Appointments so that we can follow the process according to our Rules and see if we could really confirm them before we can go on recess next month because there are publication requirements,” ayon kay Enrile.

Inihayag pa ni Enrile na dadaan sa normal na proseso ang kumpirmasyon nina Roxas at Abaya kabilang ang pagsusuri kung may kakayahan silang hawakan ang partikular na departamento pero dahil kapwa miyembro sila ng Kongreso, mapapadali ang proseso.

“Natural lamang na suriin pero kagaya ni Mar, kilala naman namin sa Senado, at sa mga congressman naman na miyembro ng Commission, kilala si Abaya, palagay ko naman walang balakid sa kanilang confirmation,” aniya.

“Si Abaya was never a member of the Senate but well known member of the House. He is the chairman of the committee on appropriations in the House, and I don’t know anybody who is against him in the Senate,” dagdag ng Senate chief.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply