Bagong SALN nina Mar, Abaya ipinasusumite sa CA

INATASAN ni Senate President Juan Ponce Enrile sina incoming Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at Transportation and Communications Secretary Emilio Abaya na magsumite ng panibagong kopya ng statement of assets, liabilities and net worth sa Commission on Appointments (CA).

Sa panayam nitong Lunes (Setyembre 3) sa Senado, sinabi ni Enrile na kailangan na bagong kopay ng mga dokumento tulad ng clearances at SALNs ang isusumite nina Roxas at Abaya upang kaagad masimulan ang deliberasyon sa kanilang nominasyon.

“They’ll have to submit (to the Commission on Appointments) new sets of their clearances that are under the Rules. They have to submit their clearances, their statement of assets and liabilities, and other documents, and then it will be published,” ayon kay Enrile.

Si Enrile ang tumatayong chairman ng makapangyarihang Commission on Appointments bilang Senate president.

Ayon kay Enrile, isa o dalawang linggo lamang ang itatagal ng deliberasyon kina Roxas at Abaya upang maihain kaagad sa plenaryo ang nominasyon ng bagong opisyal matapos ang paglalathala ng kanilang dokumento.

“After the publication, I think one week ‘yun or two weeks, then hearing. ‘Yung hearing, one day lang ‘yun. Immediately, plenary session then we will confirm them if without opposition but I do not anticipate any opposition,” aniya.

Sinabi pa ni Enrile na hindi maaaring gamitin ni Roxas ang dokumentong isinumite na nito sa CA nang makumpirma siya bilang DOTC secretary.

“Kailangan panibago ‘yun. New sets. Another position ito,” aniya.

Inihayag pa ni Enrile na hindi pa natatanggap ng CA ang dokumento ng nominasyon nina Roxas at Abaya tuald nang ipinamamarali ni Executive Secretary Paquito Ochoa sa isang panayam sa radio kahapon ng umaga.

“I checked this morning wala pa. Kaninang tanghali, during lunchtime I checked whether the papers of the new appointees of the President, nominees, have reached us and I told them to immediately prepare the transmission to the Commission on Appointments, wala pa,” aniya. Ernie Rreyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply