Mar magli-leave bilang pangulo ng LP

MAGLI-LEAVE bilang presidente ng Liberal Party si DILG Secretary Mar Roxas upang matutukan ang pamamahalaang kagawaran.

Sa isang panayam, sinabi ng Kalihim na kailangang pag-ukulan niya ng pansin ang bagong tungkulin lalo na ang mga programang naiwan ng yumaong Secretary Jesse Robredo sa DILG.

“Ang aking magiging unang hakbang bilang DILG ay sa Lunes isusumite ko sa Pangulo (Benigno Aquino III) bilang aming chairman sa partido, ang aking leave of absence sa pagiging pangulo ng Liberal Party. At inaasahan naman na tatanggapin ito ng Pangulo at ang partido na mismo may mekanismo naman kung sino ‘yung gagampan ng trabaho bilang pangulo ng partido.” bahagi ng pahayag ng kalihim.

Sinabi rin ni Roxas na kanyang itataguyod, papalawakin, papalalalimin at papalakasin ang mga programang naiwan ni Robredo lalong-lalo na ang mga nasa local government offices.

Tututukan din umano ni Roxas ang transparency at ang wastong paggastos ng pera ng taumbayan.

Sinabi rin ni Roxas na sa kanyang pag-upo sa Lunes ay agad niyang pag-aaralan ang mga papeles na may kinalaman sa over priced na pagbili ng baril ng umano’y nagbitiw na undersecretary ng DILG na si Rico Puno.

Sa Lunes rin malalaman kung sino ang mamamahala sa kampanya ng mga kandidato ng LP para sa nalalapit na 2013 elections.

Sinabi ni Roxas na mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang maghahayag nito at maging ang magic 12 senatoriables ng kanilang partido.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply