Mar Roxas isasalang na sa CA

ISASALANG na sa susunod na linggo si dating Transportation and Communications Secretary Mar Roxas sa Commission on Appointments (CA) para sa kanyang kumpirmasyon bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III na kailangan lamang i-update ni Roxas ang kanyang mga requirements dahil una na itong nakumpirma bilang kalihim ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Sinabi pa ni Sotto na base sa rules ng CA, mayroong 7-working days para naman sa publication.

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Roxas bilang bagong DILG secretary kapalit ng yumaong si Jesse Robredo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply