Mar Roxas nanumpa na bilang DILG secretary

PORMAL nang nanumpa si dating Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Manuel Roxas II bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kasama ang kanyang asawang radio at TV broadcaster Korina Sanchez ay nanumpa si Roxas kay Pangulong Benigno Aquino III sa Reception Hall ng Malakanyang.

Sa kabilang dako, tumanggi naman ang Malakanyang na magkomento kung paano sabay na panunungkulan ni Roxas ang pagiging Kalihin ng DILG at ang pagiging pangulo ng ruling Liberal Party.

Bago pa naitalagang DILG ay hawak ni Roxas ang pagiging Kalihim ng DoTC bukod pa sa pagiging special envoy to China ng bansa at kamakailan lamang ay nakipagpulong siya kay Chinese Vice President Xi Jinping.

Dumaan din sa pagsubok ang kumpirmasyon ni Roxas nang magbanta si Senador Miriam Defensor Santiago na kanyang haharangin ang kumpirmasyon ng Kalihim matapos na dedmahin ng ilang miyembro ng Gabinete ang pagdinig na ipinatawag ng senadora kaugnay sa kontrobersiyang kinasangkutan ng nagbitiw sa tungkulin na si DILG Usec. Rico Puno.

Itinalaga ni Pangulong Aquino si Roxas bilang DILG secretary noong Agosto 31 kasabay nang pagtatalaga kay Cavite  Representative Joseph Emilio Abaya bilang Kalihim ng DOTC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply