Mar Roxas susundin ang pasya ng CA

MARIING ipinahayag ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Mar Roxas na susundin ang pasya ng Commission on Appointments kung anoman ang magiging pasya sa kanyang nominasyon.

Una rito, sinabi ng incoming DILG chief na ginagalang niya ang desisyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na harangin ang kanyang kumpirmasyon sa CA.

Sinabi ni Roxas na bahagi ng kapangyarihan at karapatan ni Santiago bilang miyembro ng lupon na mag-raise ng opposition laban sa kaninumang Cabinet official.

Ayon kay Roxas, kanyang ipinaliwanag ng husto sa komite ni Santiago, kung bakit hindi ito nakadalo sa ipinatawag na pagdinig noong nakaraang linggo.

Ani Roxas, ang imbitasyon ng Senate committee on Constitutional amendments ay para sa kaso ni resigned DILG Usec. Rico Puno at wala umanong maiaambag tungkol dito si Roxas dahil hindi pa naman aniya nito nasimulan ang kanyang pag-upo sa kagawaran.

Kahapon pormal nang ipinaabot ni Sen. Miriam Defensor Santiago kay Sen. Tito Sotto bilang chairman ng Committee on Local Government ng Commission on Appointments na kanyang paninindigan ang kanyang banta na harangin ang kumpirmasyon ni DILG Sec. Mar Roxas.

Nabatid na ngayon Miyerkules na ang deliberasyon ng appointment confirmation ni Roxas sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Batay sa liham ni Santiago kay Sotto na may petsang Setyembre 18, 2012, ipinapaalam nito na ngayon pa lamang ay ibine-veto niya ang kumpirmasyon ni Roxas sa plenary session ng CA ngayon, September 19.

Paliwanag ni Santiago, wala siyang personal na galit kay Roxas at aminadong siyang qualified ito sa posisyon pero nais niyang panindigan ang una na niyang pahayag na kanyang tututulan ang kumpirmasyon ng lahat ng cabinet secretaries  na hindi dumalo sa kanyang pagdinig para kay Puno.

Bukod kay Roxas, ibi-veto rin ni Santiago ang kumpirmasyon nina Justice Sec. Leila de Lima at Environment Sec. Ramon Paje.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply