Marahas na demolisyon sa Makati, sinisiyasat na ng CHR, NCRPO

MAGSASAGAWA ng hiwalay na imbestigasyon ang Commission on Human Rights at human rights affairs office ng National Capital Region Police Office kaugnay sa marahas na demolisyon na naganap sa Guatemala compound sa Brgy. San Isidro, Makati City kamakalawa.

Ayon kay CHR Chairperson Loretta Ann Rosales, hinihintay na lamang niya na maisumite sa kanya ang pinal na report na manggagaling sa binuong team na siyang nag-imbestiga sa insidente .

Umabot sa 16 na katao ang nasugatan sa nangyaring kaguluhan sa pagitan ng mga pulis, demolition team at mga residente ng Guatemala

Mayroong mga 300 na kabahayan ng informal settlers sa lugar ang ililikas ng Makati City government  dahil pagtatayuan umano ng Barangay Multi Purpose complex at Basketball court ang mababakanteng compound.

Samantala, pinag-aaralan na rin ng National Capital Region Police Office-Regional Human Rights Affairs Office (NCRPO-RHRAO) ang video ng marahas na demolisyon na nangyari sa Guatemala Street, Barangay San Isidro, Makati City.

Ayon kay Senior Superintendent Datumama Mokalid Al Hadj, hepe ng NCRPO-RHRAO, idinidokumento na nila ang hawak nilang video na kuha ng kanilang human rights officers kamakalawa ng hapon.

May inisyal na rin, anya, silang ulat kay NCRPO Chief Supt. Leonardo Espina sa naging aksyon ng mga pulis kahapon.

Hinihintay na lamang din nila ang official report ng Makati City Police ang kopya ng sulat mula sa Engineering Department ng lokal na pamahalaan na nagpapatunay na nanghingi ito ng police assistance.

Nabanggit din ni Al Hadj na dumadaing sa kanila ang mga pulis na nasaktan sa pambabato ng mga residente, pero wala pa silang natatanggap na pormal na reklamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply