Maraming lugar sa Metro Manila, lubog sa tubig baha

LUBOG na sa tubig baha ang maraming lugar sa Metro Manila dulot na malakas na buhos ng ulan simula pa kagabi bunsod ng habagat dahil sa bagyong Karen.

Ayon sa Metro Manila Development Authority, mataas ang tubig sa España at hirap na madaanan ng mga sasakyan.

Bagaman, may tubig baha rin sa Taft Avenue, nadadaanan pa naman ng mga sasakyan sa ngayon, ayon sa MMDA.

Mataas na rin ang tubig baha sa tapat ng Sto. Domingo Church sa Quezon Blvd.

Umapaw na rin ang tubig sa may Araneta creek sa Araneta Avenue, Quezon City.

Inilikas na rin ang ilang mga residente na malapit sa lugar.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply