Marathon session para sa 2013 budget, kasado na

UUMPISAHAN na ngayong hapon ang marathon session ng Kamara de Representantes para sa deliberasyon ng mahigit sa P2 trilyon budget ng gobyerno para sa 2013.

Ipinahayag ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na simula ngayong Lunes, September 10, 2012 ay gagawin ng umaga at hapon ang sesyon sa Kamara hanggang sa maaprubahan ang General Appropirations bill.

Sinimulan ang sesyon ng alas 10:00 ng umaga kanina upang masiguro na hindi kakapusin ang panahon ng mga kongresista sa pagpapatibay ng pambansang pondo.

Sinabi ni House Secretary General Marilyn Barua-Yap na napagkasunduan ng mga lider ng Kamara na hanggang Biyernes na ang sesyon sa halip na hanggang Miyerkules lamang na siyang regular na sesyon.

Ito ang dahilan kung bakit pansamantalang sinuspendi ang four-day work week ng mga empleyado ng Kamara dahil may pasok na din sila hanggang araw ng Biyernes.

Upang matiyak din na magkaroon ng focus ang mga mambabatas ay kinansela na rin ang lahat ng public hearing ng mga komite.

Kanina ay pormal nang iniakyat ni  House Appropriations Committee chairman Joseph Emilio Abaya ang budget sa plenaryo at mayroon lamang dalawang linggo ang Kamara  para tapusin ang plenary deliberations sa budget at ilusot ito sa ikalawang pagbasa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply