Maricar Reyes sabog kung minsan

NAABUTAN namin ang huling bahagi nang interview ni Kris Aquino sa magkasintahang Richard Poon at Maricar Reyes sa show nitong KrisTV sa ABS-CBN. Napansin naming sobrang seryoso na sila sa kanilang relasyon. Halos maiyak naman si Maricar sa importansiyang ibinibigay sa kanya ng boyfriend na singer. At hulog ng langit para sa dalaga ang binata.

“Oo blessing siya. Kasi I appreciate everything he brought to my life lahat ng kulang ako. He teaches me a lot of things. Sobra ko siyang na-appreciate,” sabi ng magaling na Kapamilya actress.

“Minsan kasi ako medyo sabog. I forget things. Not very organized when I speak. Pero dahil sa kanya ay mas nagkakaroon ako nang confidence. He lovingly points out ‘yung mali ko but in a very nice way na makikita ko na ‘yun pala. So, lagi akong nag-i-improve when I’m with him.”

At ito pa ang isang matamis na linya na sinabi ni Mr. Reyes kay Richard: “I learned a lot from you. There are lot of things I didn’t realize but you make them clear. Although kaya kong mabuhay nang wala ka, masaya kapag nandiyan ka.”

“I just want to say na it’s been ‘wow what a ride.’ I know may haharapin pa tayo, good and bad, pero I just like the way how you gently and lovingly support me, sometimes I’m wrong. I love the way how you lovingly correct me. I love your discipline and… Sana tuloy-tuloy na,” ang makabagbag damdamin namang sagot ni Poon. Amen! Hehehe!

***

4TH PMPC Star Awards matagumpay; Paula Bianca New Female Artist of the Year!

CONGRATULATIONS sa paborito naming rakista na tinaguriang Rock Empress ng Pilipinas sa pagkakapanalo nito bilang New Female Recording Artist of The Year sa 4th PMPC Star Awards for Music 2012. Ang tinutukoy namin ay ang dalaga ni Papa Dhan na si Paula Bianca.

Hindi nga kami nagkamali sa aming hula na sa tatlong nominasyon niya sa naturang patimpalak ay tiyak na makakukuha siya ng award alin man sa mga ito. Salamat at naging parehas ang PMPC sa pamumuno ni Roldan Frias Castro. Naging fair and square ang laban. Kung meron mang hindi kuntento, problema na nila iyon. Basta kami masaya sa pagkakapanalo ni Paula. Bale nakadalawang awards na siya. Bago ito ay nanalo din siya sa parehong kategorya sa Tambayan 101.9 Music Awards.

Ang laban na mala-karayom ang butas na sinuong ng dalaga dahil siya lang ang nag-iisang recording artist na napasama sa naglaban-labang magagaling na singers na puro taga-Star Records lamang. Siya ay recording artist ng Vicor at talent ng Viva.

Narito ang kabubuuan ng mga nanalo:

Album of the Year – Araw Oras Tagpuan, Sponge Cola (Universal Records); Song of the Year – Kulang Ako Kung Wala Ka (Erik Santos); Female Recording Artist of the Year – Aiza Seguerra; Male Recording Artist of the Year- Jed Madela; Duo/Group Artist of the Year – The Company; Pop Album of the Year – Outbound, Christian Bautista (Universal Records); Female Pop Artist of the Year – Angeline Quinto; Male Pop Artist of the Year – Christian Bautista; Concert of the Year – It’s Complicated (Jose Mari Chan, The Company); Female Concert Performer of the Year – Sarah Geronimo; Male Concert Performer of the Year – Martin Nievera; Duo/Group Concert Performer of the Year – Jose Manalo and Wally Bayola; Music Video of the Year – Where Do I Begin (Gary Valenciano); New Female Recording Artist of the Year – Paula Bianca (tied with) Solenn Heusaff; New Male Recording Artist of the Year – DK Valdez (tied with) Robin Nievera; Revival Album of the Year – Mga Awit at Damdamin, Martin Nievera (PolyEast Records); Dance Album of the Year – 18+ Restricted, Mocha Girls (Bellhaus Entertainment/Playboy Fragrances); Rock Album of the Year – Romantico, Kamikazee (Universal Records); Female Rock Artist – Yeng Constantino; Male Rock Artist – Sponge Cola, Acoustic Album of the Year – Panaginip, Noel Cabangon (Universal Records); Female Acoustic Artist of the Year – Juris; Male Acoustic Artist of the Year – Noel Cabangon; Album Cover of the Year – No Water, No Moon (Bamboo); Compilation Album of the Year – The Pearl Collection, 30 Years of the Most Memorable Theme Songs (Viva Records); Novelty Album – Blind Item, Wonder Gays (D’Concorde Records & LDG Prod. & Ent. Recording Co.); Novelty Song of the Year – Blind Item, Wonder Gays; Lifetime Achievement Award – Jose Mari Chan at Special Award: Natatanging Alagad ng Musika Boy Christopher (Composer), Lito Camo (Composer), Vehnee Saturno (Composer), Gary Valenciano (Singer), Kuh Ledesma (Singer), Lea Salonga (Singer), Martin Nievera (Singer), Ogie Alcasid (Singer) Pops Fernandez (Singer), Regine Velasquez (Singer), Sharon Cuneta (Singer), Zsa Zsa Padilla (Singer).

Ang host ng programa ay sina Pops Fernandez, Xian Lim at Maja Salvador. Ang 4th PMPC Star Awards for Music ay iiere sa September 16, sa ABS-CBN’s Sunday’s Best.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.co m at maari rin kaming mapakinggan sa Star na S tar sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.    

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply