Maricel Soriano balik-Kapamilya!

BALIK-KAPAMILYA ngayon ang tinaguriang Diamond Star ng bansa na si Maricel Soriano.

At sa kanyang pagbabalik sa teleserye, makakasama niya ang bagong tambalan nina Gerald Anderson at Cristine Reyes. Sinasabing ilalagay sa primetime block ang naturang serye na may pamagat na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin.”Makatatrabaho niyang muli si Tonton Gutierrez sa nabanggit na serye at si Dina Bonnevie.

Magugunitang ang huling proyekto ni Maricel sa Dos ay ang horror seryeng “Florinda” kung saan nakasama niya ang dating Kapamilya star na si Roxanne Guinoo.

Bago ito, matagal nawala si Maria at sumilip pa sa ilang programa ng Kapuso at Kapatid network.

Spotted din si Maria sa wake ni Comedy King Dolphy at inintriga pa ng ilan.

Sa panayam kay Maria sa Bandila, sinabi niya na excited siya sa naturang proyekto at masayang makatrabaho sina Dina at Tonton.

Pinasalamatan din ni Maria pamunuan ng Dos para sa nasabing bagong proyekto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply