Marquez vs Pacman, kasado na

BINASAG na ni 8-division world champion  Manny Pacquiao ang kanyang pananahimik at sinabing haharapin niya sa ika-apat na pagkakataon ang itinuturing na mortal niyang kalaban na si Mexican Juan Manuel Marquez sa December 8 sa MGM Grand sa Las Vegas.

“It’s Marquez,” pagkumpirma ng adviser ni Pacquiao na si Mike Koncz sa Las Vegas matapos ang meeting kasama si Top Rank chief Bob Arum para selyuhan ang fight deal.

Ang opisyal na announcement umano ay gagawin sa Martes sa Beverly Hills Hotel sa Los Angeles na dadaluhan nina Arum, Pacquiao at Marquez.

Sa promotion tour, iikot sina Pacman at Marquez sa Mexico at New York City.

Tatlong kalaban ang pinagpilian ni Pacquiao – Miguel Cotto, Tim Bradley at Marquez–subalit pinili ng future hall of famer ang Mehikano dahil sa tumataginting na kikitain nito sa pay-per-view.

Pinili rin umano ni Pacman si Marquez upang tapusin na ang kanilang alitan na
nagsimula pa noong 2004.

Matatandaang nainip si Cotto sa kahihintay kay Pacman na magdesisyon kaya pumirma na ito upang sagupain si Austin Tout sa Dec. 1 sa New York, kaya naiwan lang sa listahan ni Pacman sina Bradley at Marquez.

Naisip rin umano ni Pacman na sinwerte lang si Bradley nang ideklara itong panalo sa kanilang laban noong June 9 sa kabila na kitang kita na binugbog niya ito sa ibabaw ng ring, kaya mas ninais na ng Pinoy na labanang muli si Marquez.

Mas gusto ni Pacman na kalaban ang magagaling na boksingero kagaya ni Marquez  na nagtutulak sa kanya upang ibigay ang kanyang buong husay.

Kung maalala, sa tatlong beses na naglaban sina Pacquiao at Marquez, lahat ay naging kontrobersiyal ang resulta.

Noong unang laban ay draw o tabla ang resulta ng bakbakan sa kabila ng tatlong beses na bumagsak si Marquez, habang ang pangalawa at pangatlo ay panalo si Pacquiao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply