Mas mabigat na parusa sa mananakit ng hayop

MAS mabigat na parusa ang ipapataw sa mga mapatutunayang sangkot sa animal cruelty o pagmamaltro sa mga hayop.

Sa panukalang batas na isinusulong ng limang senador, layunin ng mga ito na maamyendahan ang RA 8485 o The Animal welfare Act of 1998 para mas mabigat na parusa sa mga nagmamalupit sa mga hayop.

Nakasaad naman sa Senate bill 3222, lalakihan ang multa mula sa kasalukuyang P1,000 hanggang P5,000, gagawin na itong P30,000 at apat na taong pagkakakulong mula sa kasalukuyang 6 na buwan lang hanggang dalawang taon.

Sa pagdinig kanina ng Senate Committee on Agriculture and Food na pinamumunuan ni Senador Francis  Pangilinan, nakita ng mga senador ang kahinaan ng animal welfare act kaya marami pa rin ang nagsasagawa ng illegal dog meat trade, pagmamaltrato sa mga aso at ilegal na pagkatay ng kalabaw na may mababang parusa.

Dahil dito, pinaboran ang panukala ng Philippine Animal Welfare Society upang mas maprotektahan ang kapakanan ng mga hayop sa bansa.

Nais din ng naturang grupo na gawing P100,000 ang parusa sa mga masasangkot sa animal cruelty para matakot na ang mga ito na lumabag sa batas gayundin iminungkahi nila ang pakakaroon ng sariling welfare desk.

Dumalo naman sa nasabing pagdinig ang aktres na si Heart Evangelista na may advocacy sa pagsusulong ng animal welfare at endorser ng Philippine Animal Welfare Society.

Kasunod nito ang panawagan sa publiko na magpakita ng pagmamahal sa hayop.

Aminado naman ang Bureau of Animal Industry na kapos sila sa tao at budget kaya hindi naisusulong ang mabigat na parusa at pagpapakulong sa mga magmamalupit sa hayop.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply