Masakaradong rehimen

NAKATUTUWA ang mga trumpeta ng Malacañang kamakailan nang magpatawag ng Senate inquiry si Senadora Miriam Defensor Santia-go. Sa dinami-rami ng inimbitahang opisyal ng gobyerno ni Pangulong Benigno Aquino III, 2 lang ang lumu-tang.

Sina PNP Chief Director Ge-neral Nicanor Bartolome at natsugi na undersecretary ng Interior Department, Rico Puno, kasama si Bishop Oscar Cruz (amen).

NATUTUWA tayo at una, na-kontrol ni Senator Santiago ang sarili sa pag-alagwa ng kanyang pres-yon ng dugo dahil sa “kawalang-alam”, “mala-inosente” at “mala-pipi” na mga sagot ni Puno sa ba-wat tanong ni Santiago.

Taliwas ang anyo ni G. Puno noong nagsisimula ang kontrobersya sa pamunuang Noynoy.

Naalala ba ninyo ang sinabi ni Puno? “Ako lang ang may kaka-yanan na sabihan si PNOY!” Naks.

SAPUL nang maupo ang rehi-meng Aquino, wala silang ginawa kundi batikusin, kutyain at demonyohin ang nagdaang administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (xPGMA).

Kesyo noong siya’y nasa poder, naglabas ng Executive Order na pumipigil ng pagdalo sa Congressional Inquiries/Investigations.

Pinagbintangan si GMA na pinagtatakpan niya ang kanyang administrasyon at mga tauhan sa mga maling gawa na hanggang ngayon, kinasuhan na, wala pa ring mapatunayan sa mga kinathang akusasyon.  Ako man ‘yun, kung alam ko na babastusin lang ako sa Kongreso, hindi ako dadalo.

NGAYON, sa Senate investiga-tion ni Senator Santiago, mas malala ang ipinakita ng tropa ni PNoy.

Sabi ni Lacierda, “Hindi naman daw sila kasali sa imbestigasyon”, ayaw daw ng boss nila, si Noynoy na dumalo sina ES Jojo Ochoa, DENR Sec. Ramon Paje at DILG Sec. Mar Roxas.

Ang dahilan? Wala raw kasing ipinadala si Gng. Miriam na lista ng mga katanungan!
ANO?????? Sobrang showbiz ang dating mo, Noy!

MAS masahol pa pala ngayon ang sistema ng Malacanang kaysa panahon ni Gng. Arroyo?

Kung noon ay may dahilan dahil alam nang lahat na gagamitin lang si PGMA at kanyang mga tauhan sa pampuli-tikang hangarin nang mga pulitiko’t kakutsabang devil societies, ngayon, KAILANGAN MAY LISTAHAN KUNG ANO ANG MGA ITATANONG SA MGA DAPAT NAIMBITAHANG OPISYAL ng Aquino administration?

ANG suwerte naman ninyo pala. Nagpapanggap kayo na malinis, bukas at handing tumawid sa “matwid na daan” pero sa totoo, ayaw ninyong madumhan sa mga nangyayaring totoo sa ating bayan. Gusto ninyo na maniwala ako na kayo ay matwid at malinis pero ano itong mga kabulastugan na ginagawa ninyo at inyong mga tauhan?

Hindi pa nga kumpirmadong patay noon si Interior secretary Jesse Robredo ay nilusob na ninyo ang kanyang bahay at opisina sa hindi pa rin malinaw na dahilan.

NGAYON mga baril at riple pati na ang Jueteng, wala kayong alam? Maskarado yata ang gobyerno ninyo? Sino ang maniniwala na wala kayong alam sa ilegal na Jueteng at ang daang milyong piso na payola sa pamahalaan? Eh para kanino ba yung itim na bag na namali umano ng pagdadalhan? Yun ba ang hinahanap ninyo sa bahay at opisina?

Wow, naman mga tsong at tsang sa Macalanang.

AKO ay naaawa sa aking Kuyang, si Chief PNP Nick Bartolome. Naiipit siya sa pagitan ng Boss at KKKK. Paano ninyo ipapaliwanag sa taumbayan na kayo ay malinis at tapat sa bayan? Alisin ang maruming mascara para kayo ay paniwalaan. Siyanga pala, korupsyon?

Alam lahat ni COA Chief Grace Pulido Tan.3

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply