Massage parlor, iskul, pinasabugan sa Iloilo

NABASAG ang mga salamin ng isang massage parlor habang nadamay ang katabing paaralan, St. Robert’s Academy,makaraang pasabugan ng granada sa Iloilo City kaninang madaling araw.

Ayon sa guwardiya ng hotel na malapit sa pinangyarihan na si Raymond Tahonia, dakong ala-1:30 ng madaling nang marinig nito ang malakas na pagsabog sa Royal Dreams Massage Parlor na nasa RL Cooper bldg. sa Iznart St., Iloilo City.

Samantala, ayon naman sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime Operations (SOCO), isang MK2 fragmentation grenade ang pinasabog matapos ma-recover ang safety lever nito.

Masuwerte namang walang napaulat na nasugatan sa nasabing pagsabog dahil sarado ang naturang parlor nang mangyari ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply