Mataas na opisyal ng DOJ sinuspinde

PORMAL nang ipinagharap ng reklamong administratibo at isinailalim sa 90-day preventive suspension ang isang mataas na opisyal sa Department of Justice na si Senior Deputy State Prosecutor Severino Gana.

Bukod kay Gana, kasama rin sa mga sinampahan ng grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service ang dalawang support staff ng National Prosecution Service na sina Mutya De Los Santos Santiago-Tobes at Louie Garcia.

Nag-ugat ang reklamo sa sumbong ng isang litigant sa kasong adultery na hiningan raw siya ni Santiago-Tobes ng tatlong daang libong piso (P300,000) kapalit ng paborableng desisyon sa kanyang kaso.

Si Santiago-Tobes ay nahaharap na sa kasong robbery extortion matapos siyang madakip ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation noong August 31 kasunod ng sumbong ng complainant na si Nuriza Abeja.

Ang reklamong administratibo ay hiwalay pa sa anomang kasong kriminal at sibil na maaaring kaharapin nina Gana, Santiago-Tobes at Garcia.

Batay umano sa salaysay ng biktima, hinimok umano siya ni Gana na magbayad dahil iniiskandalo na si Mutya na isa sa kanyang mga staff.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply