Matandang binata binaril, todas

TODAS ang isang matandang binata matapos itong malapitang barilin sa loob ng bahay ng hindi pa nakikilalang salarin kaninang madaling araw sa General Malvar St., Bagong Barrio, Caloocan City .

Dead on spot sa pinangyrihan si Benjamin Liwanag , 50 binata, ng 180 Gen. Malvar ng nasabing barangay sanhi ng tinamong tama ng kalibre 45 sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang ginamit na baril.

Ayon sa ulat, dakong alas 4:30 ng madaling araw ng barilin ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa nasabing lugar.

Nabatid na natutulog ang biktima ng biglang akyatin ng suspek at agad binaril ng malapitan na agarang ikinasawi nito.

Nakarekober ang mga awtoridad ng empty shell ng kalibre 45 na ginamit sa pamasalang at mga drug paraphernalias sa pinangyarihan.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam kung may kaugnayan sa illegal na droga ang motibo sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply