Matteo naramdaman ang init ng katawan ni Coco

NOONG nakaraang Sabado ay ginanap ang 6th Star Magic Ball sa Makati Shangri-La Hotel. At siyempre lahat ng talents ng Star Magic ay nandoon dahil ito ang way nila para mag-bonding at magkaroon ng rapport at camaraderie ang lahat. May ipinamigay na awards at nanalo ng Jawdropping Stunner award si Bea Alonzo; Standout Star: Coco Martin; Prince and Princess of the Night: Julia Barretto and Julian Estrada; Sweetheart of the Night: Julia Montes; Couple of the Night: Xian Lim and Kim Chiu; Star Magic Icons: Diether Ocampo and Angelica Panganiban.

Ang selebrasyong ito ay nagpapaalala rin sa naging upakan nina Coco at Matteo Guidicelli nung nakaraang taon. Ngayon ay muling nanariwa sa lahat ang pangyayaring iyon pero magkaibigan na ang dalawa ngayon.

Katunayan, humingi nang isang mahigpit na yakap si Matteo sa Walang Hanggan star pagkatapos nang kamayan, este, shake hands at siya pa ang nag-abot ng “Star Magic Standout Award” sa magaling na aktor.

***

Aktres nagpamalas ng katabaan at ga-trosong mga binti sa pictorial

HINDI raw nagustuhan ng isang reader ng Papak ang bagong pictorial ng magaling na aktres na kasama sa isang rating na teleserye. Maganda naman daw ang cover photo nito sa isang men’s magazine pero pagdating sa loob ay nahambal siya dahil doon na raw lumabas ang tunay na itsu ng aktres.

Nagpamalas daw ito nang katabaan at mala-trosong mga binti sa nasabing pictorial kaya medyo nawalan raw siya nang gana rito.

Nagpakatotoo raw ang naturang babasahin pero kasiraan naman iyon sa aktres. Sabagay, alam naman nang lahat na tabachingching na siya ngayon. ‘Yun na!

***

Ipe nagpakalasing sa sinapit na kapalaran

HOW true na nagpakalasing daw si Philip Salvador pagkatapos matanggap ang balitang na-disapprove ng Election Registration Board ng Pandi Bulacan ang application for transfer of registration nito mula sa 572 Wack Wack, Greenhills Mandaluyong to 54 Santisima st. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan?

Kaya malabo na umanong makatakbo pa siya bilang vice governor ng Bulacan kalaban ng simpatikong si incumbent Vice Governor Daniel Fernando.

Saan ka naman kasi nakakita ng isang indibidwal na nagsasabing tagaroon siya sa nasabing lugar pero walang tirahan. May pinakikita namang bahay wala pang kuwarto, kusina at banyo. Susmaryosep! Ano ‘yun, kulungan ng baboy? Hahaha!

Anyway, ayaw namang magbigay nang komento ni Vice gov. Daniel hinggil sa isyung ito. Wala raw siya sa posisyon para magsalita dahil trabaho ito ng Comelec. Baka raw kung ano pa ang masabi ng iba kapag nagbigay siya ng opinyon.

Ang iniintindi niya ngayon ay ang sandamakmak na problema ng Bulacan pagkatapos salantahin ng Habagat ang ilang bayan ng nasabing probinsiya.

***

Paula Bianca hinangaan sa radyo

THANK you so much to Tito Pete Ampoloquio, Tito Peter Ledesma and Tito Abe Paulite for guesting me on their radio program, “Star na Star” on DWIZ 882 AM. I had so much fun! Thank you MommYette Charvet for spending time with me today,” pasasalamat ni Paula sa amin.

Ang guesting na iyon ni Paula sa aming program ang isa sa pinakamagandang episode dahil binaha kami ng text messages at sandamakmak din ang tumutok sa live streaming. Wala ni isang negative comment kaming natanggap. Lahat ng listeners namin ay nagsasabing napakagaling talagang singer ng unica hija ni Papa Dhan.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.co m at maari rin kaming mapakinggan sa Star na S tar sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply