May-ari ng bangka na lumubog sa Tawi-Tawi, kinasuhan ng PCG

KASONG multiple murder at multiple frustrated murder ang isinampa sa korte laban sa may-ari ng lumubog na bangka sa baybayin ng Tawi-Tawi.

Ayon sa Philippine Coast guard, ang may-ari ng bangkang FV Sereana na si Bakki Munib ay mahaharap din sa iba pang kaso base sa Maritime Violation Report (MVR).

Kasunod ito sa pagkakatuklas ng awtoridad na hindi registratdo ang kanyang pampasaherong bangka bukod pa sa walang lisensya upang makapag-operate at makapagsakay ng pasahero.

Matatandaan na ang FV Sereana ay lumubog sa karagatan sakop ng Bongao sa Tawi-Tawi kung saan 7 ang naiulat na nasawi, 15 ang nailigtas at 5 naman ang nawawala na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply