Mayor Lim: Ebidensya vs 10 pulis Maynila na nangikil, malakas

MALAKI ang paniniwala ni Manila Mayor Alfredo Lim na nangikil ng P1 milyong ang 10 pulis ng Manila Police District (MPD) na tinutukoy ng isang Fil-Canadian mula sa Zambales.

Sinabi ni Lim na malakas na ebidensya na pinagplanuhan para sampahan ng kaso ang biktimang si Belinda Placido.

Matatandaang pinasok ng mga pulis ng MPD station 4 ang bahay ni Placido nang walang search warrant at nang hindi makita ang hinahanap na tao ay dinala sa presinto si Placido.

Pabalik na sana ng Canada si Placido noong Linggo pero dahil sa nangyaring siya ang itinuturong suspect sa pananaksak sa anak ng isang pulis ay hindi ito natuloy.

Nag-alok din ng tulong na P200,000 si Placido pero nag-demand ng isang P1milyon ang mga pulis kaya walang nagawa ang biktima kundi ang humingi ng tulong sa kanyang kapatid sa Zambales na nakapaghanda sila ng P800,000 at dolyar.

Bilang pagpapatunay sa pahayag ni Placido ang resibo ng pagpapalit ng dolyares para sa mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply