M’cañang iwas sa pagsasanib ng ex-allies ni GMA at LP

DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa napipintong paglagda ng coalition agreement sa pagitan ng Liberal Party (LP) at National Unity Party (NUP), pawang ang mga miyembro ay mga dating kaalyado ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, wala siyang masasabi kung maituturing na “malas” o negatibo ang pagsanib puwersa ng NUP sa LP lalo pa’t ang mga taga-NUP ay mga “balimbing” na dating kaalyado ni Mrs. Arroyo.

“Ang mga taga-LP ang makakasagot kung gagamitin lang ba sila ng NUP  sa nalalapit na eleksyon, kung makakasama ba ang pakikipag-alyansa ng NUP sa LP at kay Pangulong Aquino,” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa kabilang dako, wala namang ideya si Sec. Lacierda kung nakipagpulong nga si Pangulong Aquino kay Senador Loren Legarda para plantsahin ang pagpasok nito sa partido at makasama sa magic 12 senatoriables  ng ruling party.

Ang tangi lamang aniya niyang nalalaman ay ang pakikipagpulong ng Chief Executive kina DILG Sec. Mar Roxas at DoST Sec. Jun Abaya.

“I’m not aware of it. I know that Secretary Mar Roxas and Secretary Jun Abaya were meeting with the President. I’m not sure if Senator Legarda was—I’m not present in that meeting,” ayon kay Sec. Lacierda.

Umaasa naman ang Malakanyang na isasapubliko na ng Liberal Party ang kumpletong magic 12 na senatoriables na isasabak sa 2013 elections.

“In the next few days, I suppose. Hopefully, next week. Before—Obviously, before the filing,” aniya pa rin.

Habang inaayos naman ang iskedyul ng proclamation rally bago pa ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga pambato ng administration party.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply