M’cañang kay Trillanes: Itikom ang bibig

UMAPELA ang Malakanyang kay Senador Antonio Trillanes na itikom ang bibig sa isyu ng Scarborough Shoal.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, kailangang hintayin muna ng senador na makausap siya ng Pangulong Benigno Aquino III bago pa ipagkalat sa media ang kanyang accomplishments sa isyung ito.

Pinalalabas ng Malakanyang na sinungaling si Senador Antonio Trillanes IV matapos salungatin ang sinabi ng huli na si Pangulong Benigno Aquino III ang lumapit sa kanya para maging backdoor negotiator para sa isyu ng Scarborough Shoal.

Aniya, ang senador ang humingi ng posisyon na ito at hindi kailanman siya inalok ng Punong Ehekutibo.

“The President has informed us that he was approached by Senator Trillanes. So I have not had the opportunity to speak to Executive Secretary Ochoa yesterday because he was in the House defending the budget of the DILG. But, as far as the recollection of the President is concerned, and what he told us categorically was he recalled that he was approached by Senator Trillanes,” ayon kay Lacierda.

PNoy ayaw sumawsaw

PINILI ni Pangulong Aquino na huwag sumawsaw sa isyu ng Scarborough Shoal dahil kailangan muna nitong kausapin kapwa sina Senador Trillanes at DFA Sec. Alberto del Rosario.

“The reason why the President is silent is because, he would like to speak to both Secretary (Albert) del Rosario and Senator Trillanes. I think that’s the most decent thing to do na kausapin muna ‘yung mga taong concerned bago siya magsasalita sa media. And I think that’s a modicum of decency on our part. Kaya sinabi ni Pangulong Aquino huwag na munang magsalita sa media at mag-uusap tayo at ‘yun po ang planong gawin po ni Pangulong Aquino,” ani Lacierda.

“He (President) spoke to Secretary Del Rosario and asked him to refrain from making further statements. He texted Senator Trillanes and he also asked him to refrain from making further statements. That’s where it is right now,” sabi ni Lacierda.

Ochoa patutugain

PATUTUGAIN naman ni Sec. Lacierda si Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. kung saan hinugot ang pondong ginamit ni Senador Trillanes para makapagbiyahe ito sa China ng 16 na beses.

At kung nagsisisi ba ang Malakanyang sa pagkakakuha kay Trillanes para maging backdoor channeling negotiator ay sinabi ni Sec. Lacierda na hindi pa nila ito napag-uusapan.

“Regret? We have not spoken of (or) discussed anything whether there’s regret. With the President, we were discussing basically how did it come about. Any issue or questions on regrets, none. We never discussed regrets,” sabi ni Lacierda.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply