M’cañang no comment sa patutsada ni Korina kay Binay

TIKOM ang bibig ng Malakanyang sa aspetong busalan ang bibig ng asawa ni DILG Sec. Mar  Roxas na si tv at radio broadcaster Korina Sanchez  upang hindi na lumala pa ang hidwaan ng Kalihim at ni Vice-President Jejomar Binay  na nag-ugat sa posisyong iniwan ng yumaong DILG Sec. Jesse Robredo.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, hands off ang Malakanyang sa isyung  tinawag ng asawa ni Sec. Roxas si Binay ng “maliit at maitim na maligno sa programa nito sa isang radio station.”

“I am not going to make any comment on the statements of (the wife),” ayon kay Sec. Lacierda.

Sa programa ni Sanchez ay sinasabing  ilang beses pinaringgan nito si Binay, bagay na ipinagdamdam umano ng bise presidente.

Sa kabilang dako, kumbinsido si Sec. Lacierda na hindi dapat maging dahilan ng hidwaan nina Roxas at Binay ang pagkakatalaga kay Roxas bilang DILG Secretary dahil desisyon aniya iyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ang katuwiran nito ay iisang pamilya lang naman ang kinabibilangan nina Binay at Roxas kaya mas mabuting magtulungan na lamang.

Matatandaang si Binay ay kabilang din sa kinunsiderang maging DILG secretary pero nanaig si Roxas sa ‘very shortlist’ ng pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply