Media absentee voting, ihahabol ng Comelec

MAIHAHABOL at mabibigyan na ng pagkakataong makaboto ang mga lehitimong mamamahayag sa darating na 2013 midterm elections, ayon kay Commission on Elections Spokesman James Jimenez.

Sinabi ni Jimenez na may pagkakataon pa para maisabatas ang Media Absentee Voting.

Nakabimbin pa ang usapin sa Senado ngunit positibo ang Comelec na ito ay maisasabatas upang mabigyan ng pagkakataon ang mga totoong media na makaboto sa darating na 2013 midterm elections.

Umaasa rin si Jimenez na maaprubahan bago ang election period dahil nasa final stage na ang naturang panukala.

Dahil dito, babalangkasin na rin ang implementing rules and regulation ukol dito upang makaboto ng maayos ang mga lehitimong mamamahayag.

Tiniyak naman ng Comelec na papayagan lamang makaboto ang mga accredited media at hindi ang mga nagpapanggap lamang na mamamahayag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply