Menor-de-edad minolestya ng kawani ng NBI

DAGUPAN CITY – Isang empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang akusado ng child molestation matapos nitong molestyahin ang isang menor-de-edad na babae na anak ng kanyang nililigawan sa nasabing syudad.

Ang suspek ang nakilalang si Eugenio Guillermo Lalas, 56, ng Bonuan Gueset, Dagupan City at nakatalaga sa NBI regional office sa nasabing siudad

Sa inisyal na imbestigasyon ng Dagupan City Philippine national Police (PNP), tatlong beses umanong menolestya ng suspek ang biktimang si Josephine (hindi tunay na pangalan) noong August.

Ayon sa testimonya ng biktima, dalawang beses pa umano siyang minolestya ni Lalas.

Sa salaysay ng biktima, tulog siya umano noong ginapang siya ng suspek at pilit na pinag hubad at hinawakan sa masisilang bahagi ng katawan.

Tinakot pa umano ng suspek ang biktima na may mangyayari masama sa kanya pag nagsumbong ito sa kanyang magulang.

Ayon sa local na Department of Social Welfare and Development (DSWD) hindi nawalan ng takot ang biktima at isinumbong ang kawalanghiyaan ng suspek.

Nagsagawa ng medico legal ang local na ospital kung may nangyaring panghahalay sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply