‘Mephentermine’ sa shabu, ikinabahala

NABABAHALA ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paggamit ng ‘mephentermine’ bilang pamalit na sangkap sa methamphetamine hydrochloride, o shabu, na ginagamit ng mga umaabuso nito gayundin ng mga tulak ng iligal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang mephentermine ay isang stimulant na kapareho ng epekto at characteristics ng shabu at mas mura, magkagayunman hindi ito kabilang sa listahan ng dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Apektado umano ang central nervous system ng utak ng isang tao kapag gumamit ng maraming doses ng mephentermine at maaring makadagdag sa pagtaas ng blood pressure at atake sa puso pero mas mababa, aniya, ang central stimulant effects ng droga kumpara sa amphetamine.

Mas ginagamit, aniya, ng mga tulak ang mephentermine sa kanilang iligal na operasyon upang iligaw ang isipan ng mga pulis na ang biniling shabu sa kanila sa mga busy bust operations ay shabu dahil halos kahawig sa pisikal na hitsura ng mephentermine ang shabu.

Dahil dito, pinamamadali ni Gutierrez ng PDEA sa Dangerous Drugs Board (DDB) na maisama ang mephentermine sa kanilang talaan na isa sa delikadong substances dahil nakakalaya ang mga nahuhulihan ng mephentermine dahil hindi ito kinukonsiderang illegal drug.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply