Merkado ng kamote, tututukan ng DA 12

PAGTUTUUNAN  ng pansin ng Department of Agriculture sa Region 12 ang pagbubukas ng oportunidad ng kamote sa merkado para sa mga cassava farmers.

Ito ay binigyang diin ni Regional Executive Director Amalia J. Datukan sa isinagawang cassava techno-demo launching program sa Poblacion, Tampakan, South Cotabato nitong huwebes, Agosto 30.

Ayon kay Datukan, palalakasin ng DA ang cassava sa merkado sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga produksyon nito sa boung rehiyon.

Aniya, marapat umano na bigyang-pansin ng mga mamayan ang kamote bilang isa sa mga staple foods ng bansa.

Dagdag pa ni Datukan na ang inisyatibong ito ng DA ay bahagi pa rin sa promosyon ng Food Staples Self-sufficiency Program (FSSP) na kung saan ay binibigyan ng pansin ang sapat na produksyon ng mga pangunahing food commodities ng bansa kabilang na ang kamote.

Ito ay upang makaambag ang rehiyon na matugunan ang 510, 000 metric tons (MT) na pangangailangan ng pagkain ng cassava sa buong bansa ngayong taon.

Samanatala target ng industriya ng kamote na makapagprodyus ng 2, 470, 000 MT ng kamote na siyang makapagbibigay ng 75% cassava self-sufficiency sa buong bansa.

Ang pagbubukas ng oportunidad sa merkado ng kamote para sa mga magsasaka ay pangungunahan ng Department of Agriculture 12- Agribusiness and Marketing Assistance Division.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply