Metro babayuhin ng malalakas na ulan

NAGBABALA ngayon ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na makakaranas ng malalakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng ating bansa, kasama na ang Metro Manila.

Batay sa inilabas na thunderstorm watch ng Pagasa,  mga makakapal na kaulapan lamang ang namataan sa bahagi ng Kamaynilaan na posibleng maghatid ng malakas na ulan na magreresulta sa pagtaas ng level ng tubig.

Tinatayang tatagal ito ng ilang oras na sapat para magkaroon ng pagtaas ng tubig sa mga low lying areas at inaasahan na ang pagbaha.

Gayunman, nilinaw ni Gener Quitlong ng Pagasa na wala namang bagyo o anumang aktibong namumuong sama ng panahon sa bahaging ito ng bansa, kundi cloud concentration lamang ito.

Aniya, ang low pressure area (LPA) naman na namataan sa silangang bahagi ng Visayas ay wala pang direktang epekto sa alinmang bahagi ng kalupaan sa bansa lalo’t ito ay nasa border pa lang ng Philippine area of responsibility (PAR) at wala pang ganap na serkulasyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply