Metro Manila binaha dahil sa magdamag na ulan

BINAHA ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa magdamagang ulan simula pa kagabi.

Ayon sa report, nagkabuhol-buhol ang traffic sa Araneta at E. Rodriguez Avenue, Quezon City, dahil sa baha.

Malalim din umano ang baha sa Barangay Tatalon at Sto. Domingo kaya inaabisuhan na ang mga motorista na huwag na daanan ito.

Kahit ang bagong gawang España Boulevard at Lacson Avenue ay hindi rin nadaanan ng sasakyan, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Hanggang tuhod naman ang baha sa Ramon Magsaysay-Pureza eastbound at R. Papa Avenue, samantalang gutter-deep naman sa Quiapo.

Bahagya ring tumaas ang tubig-ulan sa Central Market, Dapitan at Laong Laan.

Matatandaang magdamag inulan ang Metro Manila dahil sa active low pressure area (ALPA) na namataan sa Hinatuan City sa Surigao del Sur.

Dahil sa nasabing pag-ulan. suspendido ang pasok sa lahat ng lebel sa St. Jude College Manila [pati opisina]; Philippine College of Criminology [pati opisina]; Eton International School QC at University of Santo Tomas.

Suspendido rin mula pre-school hanggang high school sa UE Manila at Caloocan at Perpetual Help College Manila.

Nagsuspinde ng klase ang UST matapos ma-istranded ang 1,590 estudyante bunsod ng malakas na buhos ng ulan.

Ayon kay UST Director of Public Affairs Professor Giovanna Fontanilla, minabuti ng mga estudyanteng manatili sa unibersidad kesa suungin ang baha.

Ang UST Crisis Management Committee umano ang nag-asikaso sa pagkain at tulugan ng mga istranded na estudyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply