Metro Manila governor kailangan na ngayon

ANG Metro Manila ay inukit mula sa probinsiya ng Rizal at Bulacan. Maliban sa siyudad ng Maynila, ang bahaging norte ng Kalakhang Maynila ay mula sa Bulacan habang ang timog na bahagi naman ay mula sa Rizal.

Pero kahit na National Capital Region ang Metro Manila, ito lang ang tanging rehiyon na walang sariling governing unit. Hindi ginawang probinsiya at walang governor.

Dito ang hari ay 17 Mayor mula sa kanilang mga siyudad. 17 kaharian na may sariling lokal na batas hiwalay mula sa isa’t isa.

Ito ang dahilan kung bakit magulo ang Kalakhang Maynila, dahil sa isang rehiyon 17 ang hari. Bawat siyudad ay may sariling traffic enforcer, zoning at building code, public works project at local taxation system.

Sa laki at dami ng tao sa Metro Manila, napakahirap pa ring magpatakbo ng negosyo sa loob nito dahil kailangan mo ng business permit mula sa bawat siyudad. Walang provincial central office para rito.

Noong dekada 70 at 80 ay may Governor’s office ang Metro Manila. Greater Manila Area ang tawag sa rehiyon natin at ang Governor ay nakabase sa Quezon City.

Si Mel Mathay ang huling Metro Manila Governor na ihinalal bago ang 1986 Revo-lution.

Mula noon ay binaklas na ang Governor ng Metro Manila at kanya-kanya na bigla ang 17 bayan.

Si Mel Mathay ang huling Metro Manila Governor na ihinalal bagoang 1986 Revolution.
Mula noon ay binaklas na ang Governor ng Metro Manila at kanya-kanya na biglaang 17 bayan.

Mula din noon ay bumulusokna pa-impiyerno ang buhay sa Kalakhang Maynila.

Naging terrible ang trapiko, lumala ang pagbaha, walang habas ang pagtayo ng mga mall at business centers at maging ang mga dating residential zone tulad ng UP Village at Teacher’s Village ay naging commercial centers na rin.

Tanging isang central local government unit na mas mataas sa Mayor ang makakaresolba ng problema ng Metro Manila. Hindi ito kaya ng MMDA dahil hindi naman sila halal na opisyal kundi appointed pa ng Malakanyang.

Kung maghahalal tayo ng Governor sa Metro Manila, dito mapupunta ang responsibilidad ng pag-iisang lahat ng proyekto para sa rehiyon tulad ng public works, traffic system, flood control at iba pa.

Mas madaling ipatupad ng Governors office ang unified ticketing and traffic reduction scheme dahil lahat ng Mayor ay nasa ilalim niya.

Ang bawat road projects ay mas tama din ang pagpapatupad di tulad ngayon na malawakang kalye sa Makati pero biglang liliit sa Pasay at mas maliit sa Baclaran.

Iisa na rina ng flood control dahil ang tubig ay sa buong NCR na man dumadaloy at hindi kayang kontrolin sa bawat siyudadlamang.

Ito lang siguro ang nakikita kong agarang solusyon sa sobrang hirap ng buhay sa Metro Manila dahil sa trapik, baha, zoning at pagtatayo ng negosyo.

Sana makita ito ng Malakanyang at hindi yung takot nila na baka hindi kakampi ang umupo na Governor sa Metro Manila.

React at ira_p@hotmail.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply