Metro Manila magiging maulan ngayong araw

MAKARARANAS ng maulang panahon ang Metro Manila ngayong araw dulot ng epekto ng binabantayang namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) na nakapaloob sa inter-tropical convergence zone (ITCZ).

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) huling namataan ang naturang LPA sa layong 760 kilometro silangan ng Hinatuan City.

Dahil dito, makararanas ng madalas na maulap na papawirin ang Kalakhang Maynila na may posibilidad ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa dakong hapon o gabi.

Tinatayang agwat ng temperatura sa Kamaynilaan ay aabot mula 24 hanggang 32 antas ng sentigrado.

Dahil dito pinapayuhan ang mga residente lalo na ang mga estudyante na magdala ng pananggalang sa ulan upang hindi mabasa at magkasakit dulot ng pag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply