Mexican pug uupakan ni Saludar

SUMIKAT si Karlo Maquinto sa edad na 21-anyos subalit napabilang ito sa kaso ng ‘ring death” matapos itong himatayin sa laban kontra Marc Joseph Costa noong Enero 28 sa Caloocan City.

Kaya naman isang alay ang ibibigay ng Kidlat at Maso boxing promotion para sa namayapang boksingero na gaganapin sa Setyembre 21 sa Astrodome.

Tampok sa laban na pinamagatang Kamao ang duelo ng walang talong si Froilan ‘The Sniper’ Saludar kontra Mexican Jose Alfredo Tirado para sa 12-round World Boxing Organization (WBO) Interim Oriental flyweight title sa boxing card na inorganisa ng Shape Up boxing gym, ang Baguio-based boxing stable kung saan kabilang si Maguinto.

Nagtamo si Maquinto ng ‘subdural hematoma’ at na-comatose ng ilang araw bago binawian ng buhay.

Tangan ng pambato ng Lambunao, Iloilo ang matikas na record na 8-0 tampok ang 6 KOs.

‘Karlo is well known in Baguio, mahal na mahal siya ng mga tao roon. Kaya this is our way of paying homage to him and fighters just like him whose careers were snuffed out too soon,” pahayag ni Shape Up gym owner Anson Co Tiu sa kanyang pagbisita sa PSA Forum nitong Martes sa Shakey’s Malate.

Aniya, isa si Maquinto sa mga boksingero niya na masipag at dedikado sa kanyang sport.

Ipinangako naman ni Saludar, tangan ang 15-0 record tampok ang 11 KOs, na pababagsakin si Tirado (27-11, 19 KOs) bilang alay niya kay Maquinto.

“Gagawin po natin ang lahat para maipanalo ang laban na ito para kay Karlo Maquinto,” pahayag ng nakatatandang kapatid ni Asian Games gold medalist Rey Saludar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply