Mga abusadong pulis at pandaraya sa DSWD

UMAAPAW po ang text messages ng ating mga tagasubaybay kaya’t bigyan natin sila ng pagkakataon na mailathala ang kanilang mga saloobin, sumbong, paninindigan at iba pa.

Heto po sila.

20% DISCOUNT ‘DI KINIKILALA

Sir, pakikalampag lang ho ang may-ari ng Las Piñas  Cockpit. ‘Di nila ino-honor ang 20% discount pag nagpa-derby sila. Salamat po. Senior citizen ng Las Piñas. 0929855….

EVAT PERHUWISYO

Ang Expanded Value Added Tax o EVAT ay dagdag na income sa tax collections ng gobyerno at ang nagbabayad dito ay tayong mga mamamayan na bumibili na may resibo. Dagdag bayarin o perhuwisyo ito sa ating mamamayan lalo na sa ating mahihirap.

Ang gumawa rito ay sina Ralph Recto, Kiko Pangilinan at Mar Roxas. Kaya tama na, diretsahang huwag natin silang iboto sa susunod na halalan para ‘di madagdagan ang ating kahirapan. KADENA. 0920823….

ABUSADONG PULIS

Magandang araw po sa inyo, Sir Benny. Alam ko po na kayo lang ang makatutugon sa aming reklamo. Ako po ay residente ng Brgy. 106 Zone 8 sa Tondo. Nais ko po sanang ilapit sa inyo ang isang pulis na nagngangalang PO1 Sherwin Manuel na naka-assign sa headquarter ng Maynila. Siya po ay abusado. Pilit niya pong nilalagyan ng mga video-karera ang lugar namin at pag ‘di po kami pumayag ay nagagalit siya amin. Kasabwat niya po si Chairman Tito Caldoza. Sila po ay naghahati sa mga kinikita ng iligal na ito. Pati ho ang lotteng at mga bookies ng karera ay nagkalat dito sa amin. 0932618….

ABUSADONG PULIS PA

Magandang araw po sa inyong lahat diyan. Nais ko lang po sanang ipabulabog sa inyo ang pulis dito sa lugar namin sa Brgy. Masile, Calamba City, Laguna. Ian Maligaya ang name niya. Wala syang sinisino rito sa barangay, kahit mga kamag-anak niya ay tinatalo niya, lalo na pag nakainom. Kahit nakapambahay ay nakasukbit ang baril niya. Pati tupada rito sa amin siya rin ang protektor. Madalas nagpapaputok ng baril lalo na pag nag-iinuman at pag may mga kasamahan siyang pulis. Kahit mag-survey kayo rito sa lugar namin. Sana po mabulabog n’yo. Concerned citizen lang po. 0915475….

ADIK SA PUNERARYA

Good am po. Panawagan lang po sa Funeraria Manny Villarin sa Bocaue, Bulacan. Pakipalitan niyo ang mga tauhan niyong mga adik lalo na ang magkakapatid na Jojo, Jimmy, Bert at Katay. Nagrereklamo raw ang mga tao riyan sa inyo at marami ang natatakot na mga magulang dahil baka pamarisan din sila ng mga nagbibinata na madalas pumupunta riyan. Makisama naman kayo. Salamat po. 0916252….

PANDARAYA SA DSWD

Good am, sir. Member po ako ng 4Ps. Unang tanggap ko po ay P1,400 para sa 2 months; pangalawa, P800 – 2 months; at P300 ngayon.  Apat po ang anak ko, nasa elementary school lahat.  Gumagalang. Ciano Arot,  from BATO, LEYTE.    0932371….

SIRANG TRAFFIC LIGHT

Good am, sir. Pakiusap lang kay Mayor Lim at sinomang puwedeng umayos ng traffic signal dito sa kanto ng Leveriza at Quirino Ave, District 5! Peligro ito sa mga bata, matatanda at iba pa. Isang linggo nang sira ang traffic light dito. Huwag antaying may madisgrasya bago kumilos si Lim. 0929494….

MADAYANG KOMPANYA

Good morning po. Itago n’yo na lang po ako sa  pangalang Dave. Nais ko po sanang ilabas ang hinanakit ko sa aming employer na LUCKY STAR SERVICE PLACEMEMT. Kasi po, yung mga dapat na para sa aming mga empleyado ay ‘di nila ibinibigay, nagko-continuous hiring pa sila. Tapos ‘yung mga driver at pahinante ay below minimum ang ipinasasahod sa kanila. ‘Yung mga cash bond hindi nila ibinibigay on time. Marami po silang ginagawang kalokohan. Maraming salamat po. ‘Wag n’yo na lang pong ilagay ang no. ko. Thanks.  0916520….

PAGTUTUWID KAY ROBREDO

Mawalang-galang po.  Technical divers ng Navy ang kumuha kay Robredo. Kaya po yan ng Pinoy. Magagaling sila kahit ‘di modern ang gamit nila. Mga dayuhan nga ang nagkaaberya. Sana ma-appreciate niyo naman ang ginawa nila kahit konti. Peter ng Ilokos. 0947789….

CURFEW VS ADIK AT KAWATAN

Ipanawagan ko sana sa mga kinauukulan na sana’y bigyang pansin at pairalin ang curfew dito sa Aralar Street, Sitio Pugad, Kaligayahan, Binangonan, Rizal at checkpoint sa mga magnanakaw, addict at pusher. Nakaaalarma na ang mga kabataang napapariwara. Saklolo, Mayor Ynarez, pakibigyan ng pansin ito. Concerned citizen. Pila-Pila,  Binangonan.  0905732….

GRUPONG OKG

Ang grupong OKG ng mga kabataan dito sa Pila-Pila, Kalìgayahan, Binangonan, Rizal ay hindi makontrol ng hepe ng baranggay. Bakit gabi-gabi na lang ang mga ito na perhuwisyo sa lansangan. Sa dis-oras ng gabi ang kanilang sesyon. Sila ang pinagmumulan ng mga gulo at nakawan. Dapat ang grupong ito ay masawata na dahil lubhang perwisyo na ang kanilang mga kilos. Kaya ang hiling namin ay pakialaman n’yo ang aming reklamo sa pesteng grupo na ito. Tutukan mo ang OKG,  Kapitan Joan. 0905732….

DASAL PARA KAY AVILES

Please pray for Cdt 1Cl Aviles, PMA Class 2013 na biktima ng holdap sa Fairview, Quezon City. Lumaban siya ngunit binaril siya sa ulo. May tatlong naiwang bala sa ulo niya. Let us pray for his survival, he is presently admitted at the V. Luna Hospital and will undergo surgery. Maj. Edgar L. Catu, PMAot. from Bato, Leyte. 0908253….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply