Mga barangay hall pinapopostehan sa mga pulis

IGINIIT ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Superintendent Leonardo Espina na pumoste sa mga barangay hall ang mga pulis. bilang bahagi ng pinalakas na kampanya laban sa mga kriminalidad sa Metro manila.

Iniulat ni Espina na ang NCRPO at ang ibat-ibang police district sa Metro Manila ay umiskor ng malaki laban sa mga elemento ng kriminalidad sa walang humpay o 24 oras na pagpapatrulya.

Ayon sa NCRPO chief ,kahit simpleng snatching ay di nakakalusot dahil sumasama na ang kanyang mga tauhan sa mga barangay tanod ,na isangumanong halimbawa ng kooperasyon sa mga sibilyan sa mas madaling paghuli at pagresolba ng mga insidente sa mga barangay.

Kalimitan umano ang mga snatchers o masasamang elemento ay umuuwi sa kanilang mga bahay o teritoryo matapos ang kanilang mga operasyon upang magpalamig kayat madali na silang madadakip kung may mga rekl;amo dahil kilala ng mga kapitbahay ang mga magnanakaw, snatcher , lasenggo , hostess, utangero, manloloko, maniakis, mga may kabit ,mga adik at pusher sa kanilang mga barangay, dagdag pa ni Espina.

Nilibot kamakailan ni Espina ang lahat ng distrito ng kapulisan sa NCR upang ihatid ang kanyang mensahe sa mga opisyal at pulis ng mga bagong patakaran ng NCRPO sa ilalim ng kanyang panunungkulan at isa rito ang pagtupad ng mga pulis sa sinumpaang tungkulin sa publiko na nagbabayad ng buwis para sa kanilang mga sweldo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply