Mga batang Lumad, di nakakapag-aral dahil sa Oplan Bayanihan

NAPAGKAKAITAN umano ng karapatan sa edukasyon ang mga batang Lumad dahil sa kontra-insurhensiyang program ang gubyernong Aquino na Oplan Bayanihan.

Ayon kay Gabriela Women’s Party congresswoman Luz Ilagan, tinatakot ng mga sundalo ang mga guro at mag-aaral sa mga sumusunod na paaralan:

· B’laan Community Literacy School sa Malapatan, Saranggani
· Literacy-Numeracy Lumad schools na suportado ng Rural Missionaries of the Philippines sa Esperanza, Agusan del Sur at Malaybalay, Bukidnon
· Sayong Edukasyon Pambata sa Pantukan, Compostela Valley ,
· Alternative Learning Center for Agriculture and Livelihood Development (ALCADEV) sa Lianga, Surigao del Sur

Dagdag ng Gabriela, hindi bababa sa isang libo at walong daang Lumad ang biktima rin ng sapilitang ebakwasyon sa mga lalawigan ng Bukidnon, Surigao del Sur at Agusan provinces.

Ang mga Lumad ay kabilang sa grupong Manobo, Mamanwa, Matigsalog, at Dibabawon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply