Ilang bayan sa Visayas, nanganganib sa lindol

MAITUTURING na “high risk” o lubhang delikado sa mga lindol ang ilang mga bayan sa Eastern Visayas.

Ito ang naging pagtaya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), dahil ang mga lugar ay nasa “active Philippine Fault Zone” batay sa isinagawang geohazard mapping.

Ayon kay Myra Dalina, isang science analyst ng Phivolcs, bagamat may mga paggalaw na naitala sa naturang fault line, hindi pa naman ito masyadong naramdaman ng mga residente doon.

Kabilang sa mga lugar na tinutukoy ni Dalina ay ang Central Leyte Fault na napapaloob sa 1,200-kilometer Philippine Fault Zone na sumasakop sa mga lugar ng Mahaplag, Ormoc City, Kanangga, Kapookan, Javier, McArthur, La Paz, Abuyog, Burawin at Albuera.

Dagdag ng eksperto ng Philvolcs na dahil sa nasabing fault line, high risk din ang ilang bahagi gaya ng bayan ng Sogod, Libagon, St. Bernard, San Ricardo at Barangay Luan sa Southern Leyte.

Kasama rin sa listahan ang Taft, San Julian, Sulat, Borongan City, Balangiga at Lawaan sa Eastern Samar, pati na rin ang Marabut, Basey, Pinabacdao, at Hinabagan sa Samar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply