Mga dating bombshell ng Seiko Films na sina Margarita Milan at Diana Zubiri certified milyonarya na!

MAY dala nga talagang suwerte ang Seiko Films, ang  movie outfit ni Boss Robbie Tan na rumatsada talaga nang husto sa industriya noong dekada 80 hanggang early 2000. Sa mga naging contract star ni Boss Robbie na majority ay mga sexy stars, ‘yung mga naghubad noong 90’s at year 2000 ang talagang nagtagumpay sa kanilang career at future.

Buwenamano sana rito ay si Rosanna Roces na from 50K na TF ay naging milyones at naging talk show host pa noon sa Startalk. Kaso mo dahil naging mayabang at hindi na-handle nang tama ang kanyang finances, hayan at laman siya ngayon ng balita na pati taxi driver na kanyang inarkila nang buong magdamag ay tinakbuhan niya na kung tutuusin ay maliit lang naman na halagang 3,000.

Ewan lang kung na-settle na ito ni Osang. Sana naman dahil namumroblema raw ‘yung mamang taxi driver sa boundary na sinisingil na sa kanya ng taxi company na pinapasukan. Well, kung ganyan ang naging kapalaran ni Rosanna ibahin natin ang tatlong kapwa bombshells noon ng Seiko Films na sina Klaudia Koronel, Margarita Milan at Diana Zubiri.

Sa mga nabanggit na sexy stars, ang pinakmayan sa kanila ay si Margarita na nagmamay-ari na ng maraming outlets ng cellphone stores at pinakamalaking branch nito ay matatagpuan riyan sa may SM North Edsa.

Yes, may sariling mansyon na rin ito, luxury cars, fat saving acccounts, at ilan pang investments. Can afford na rin si Margarita na mag-travel nang paulit-ulit sa ibang bansa. Pagmamalaki pa nga ng kaibigan nitong si Natasha Ledesma ay tumutulong rin si Margarita sa mga kasamahang artista na alam niyang walang-wala sa buhay.

Very generous raw ito sa kanyang mga friends at mga inaanak sa binyag. Yes, 5K ang pinakamamabang give niya sa panganay ni Natasha na si Alison na kanyang inaanak. At kapag may nag-birthday naman sa mga circle of friends nito ay mga signature na bagay ang inireregalo ng dating Seiko jewel.

Ang sosyal naman!

What about Diana and Klaudia? Si Klaudia ay pinatayuan ng Chinese businessman husband ng sarili nitong Homecare sa Gilbert, Arizona. At ito namang si Diana ay silent milyonarya na rin dahil sa mga negosyong mga tiangge at dormitoryo.

Pare-parehong married na ang mga naturang sexy star na sumikat talaga sa kanilang henerasyon. Ang sad lang ay ilan taon nang binawian ng buhay ang Chinese husband ni Diana samantalang kapiling pa rin nina Klaudia at Margarita ang kanilang mga mister. That’s life gyud!

***

Be Careful With My Heart may Saturday rewind na simula September 15

DAHIL sa super raming request na natatanggap araw-araw ng Star Television ng ABS-CBN na majority ay nagmumula sa mga estudyante, teachers, office workers, working mom and dad para magkaroon ng replays tuwing Sabado ang inaasam nilang mapanood na #1 Kilig Serye sa daytime ng mga iniidolong sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap aka Papa Chen na Be Careful with My Heart na hindi nila nasusubaybayan dahil nasa labas na sila ng kanilang mga tahanan.

Dahil sa public demand na ito, pinagbiyan na ng management ang kanilang mga kahilingan. Kaya simula sa September 15, Sabado, aside sa regular weekdays airing ng Be Careful with My Heart ay inyo ng mapanonood ang Sabado Rewind ng nasabing teleserye na favorite na favorite ng milyun-milyong Kapamilya dito sa Pinas at iba’t ibang bansa na subscribers ng The Filipino Channel (TFC).

Mapanonood ang Sabado rewind at 10:30 AM sa ABS-CBN. For sure masayang-masaya na ang lahat dahil grant na ang kanilang mga request. Kapamilya gyud!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply