Comelec: Mga ‘epal’ na kakandidato, ‘wag iboto

MISMONG ang Commission on Elections (Comelec) na ang nagpayo sa mga botante na huwag iboto sa darating na 2013 eleksiyon ang mga ‘epal’ na pulitiko.

Ito’y kasunod nang hindi mapigilang pagkakabit ng mga pulitiko, na matunog na kakandidato sa 2013 Midterm Elections, ng kanilang mga tarpaulin at iba pa na magpapaalala sa publiko ng kanilang mga pangalan.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., bagamat walang magagawa ang Comelec laban sa mga ‘epal’ na pulitiko, may magagawa naman ang publiko laban sa kanila.

Kaugnay nito, sa Lunes ay nakatakdang makipag-dayalogo ang Comelec sa mga anti-‘epal’ groups para talakayin ang mga isyu hinggil sa premature campaigning.

Layunin, aniya, ng nasabing dayalogo na makabuo ng mga pangmatagalang solusyon sa problema sa premature campaigning.

Nauna rito, inamin ng poll body na tali ang kanilang mga kamay laban sa mga pulitiko na maagang nangangampanya, dahil alinsunod sa bagong automated election law ay wala namang nakasaad na nagbabawal sa premature campaigning.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply