Mga gamit sa paggawa ng pampasabog nadiskubre sa Maynila

NAKAALERTO ngayon ang Manila police kasunod nang pagkakadiskubre sa mga gamit sa paggawa ng pampasabog sa isang pension house sa Ermita, Maynila

Ayon kay MPD explosive and ordnance division chief, Inspector Arnold Santos, kabilang sa mga narekober ng pulisya ay 83 pirasong basyo ng bala ng M16, 43 pirasong basyo ng bala ng 12 gauge shot gun, sinirang Nokia cellphone, blasting caps, dalawang tubo na may takip na at takip para sa 3 tubo, mga baterya, wires at timer.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, isang Jonathan Jose ang nag-check in sa Room 108  ng Santos Pension House sa 1540 kanto ng Pedro Gil at A. Mabini streets sa Ermita dakong alas-5:20 kahapon ng umaga.

Kaninang alas-4:00 ng madaling araw ay nag-check out na si Jose .

Ayon kay Angelo delos Santos, front desk ng hotel, bandang alas-8:00 ng umaga maglilinis na umano sana ang mga hotel boy sa kuwarto ay napuna ang isang supot (plastic) sa gilid ng sahig at nang kanilang buklatin ay natuklasan ang mga naturang gamit sa paggawa ng bomba.

Inilarawan ang suspek na may taas na 5’5  at semi kalbo ang buhok.

Hinala ng pulisya, maaaring may nabuo ng improvice explosive device ang suspek ngunit hindi nila tiyak kung saan gagamitin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply