Mga kargador, residente ng North Harbor nagprotesta sa PPA

NAGPROTESTA ang mga kargador at residente ng North Harbor sa Lungsod ng Maynila sa punong tanggapan ng Philippine Ports Authority o PPA.

Tinututulan nila ang planong demolisyon ng kanilang kabahayan, kabilang ang mga bahay sa kahabaan ng Road Ten sa Tondo sa tapat ng North Harbor .

Nagsimula ang kilos protesta ng mga maralita sa Plaza Moriones sa Tondo at tumawid sila ng Ilog pasig patungong South Harbor kung saan sa nagdaos ng piket sa harap ng PPA.

Ayon kay Sherille Villacorte Javier, president eng North Harbor Canteen and Restaurant Operators and Owners, Inc., nangangahulugang pagkawala rin ng kabuhayan ang planong demolisyon.

Dagdag ni Javier, ginagamit ng PPA ang mga nakalipas na bagyo at baha upang mag-utos ng pagpapasara ng kanilang mga karinderyang siya namang kinakainan ng mga manggagawa ng pier.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply