Mga kontra-mina lumusob sa DENR

NAGKASA ng kilos-protesta ang mga kontra sa pagmimina sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) SA Quezon City kaninang umaga upang ipaalala ang mga trahedyang naidulot ng pagmimina sa ating bansa.

Anang grupong Alyansa Tigil Mina (ATM), ipinaaalala lamang nila sa DENR na mas paigtingin pa ang pagsisikap na mapangalagaan ang ating kalikasan sa pamamagitan ng pagsusulong ng pagpapaliban sa mga aktibidad sa pagmimina.

“The DENR should be the first government agency to recognize that our environment is already in a state of diminishing capacity to protect communities from natural disasters,” ayon kay Jaybee Garganera, national coordinator ng ATM.

Sinabi ni Garganera na marami nang naging trahedya na naranasan ang bansa dahil sa pagmimina at kabilang na nga rito ang Marcopper tragedy sa Marinduque noong 1995, Rapu-rapu spill sa Albay noong 2006, at ang pinakahuli ang Padcal tailings spill sa Benguet ngayong taon.

Suportado ni Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC) executive director Miguel Magalang ang protesta ng ATM at nagpahayag ito na dapat ay natuto na ang DENR sa Marcopper tragedy.

Aniya, minina ang Marinduque ng mahigit sa dalawang dekada subalit ng umalis ang mga tagapagmina, wala silang iniwan kundi ang legasiya ng pinakamalalang trahedya sa pagmimina sa bansa. At magpahanggang ngayon, nararamdaman pa rin umano ang epekto nito kahit na 17 taon na ang nakalilipas.

“But what happened? Mining was promoted by the government and we experienced more dam leakages and over-spill. What is happening now in Padcal, Benguet is a reiteration of a failed capacity of the government to ensure safety in mining projects in the country,” sabi pa ni Magalang.

Tinututulan din ng grupo ang Tampakan mining project sa paniniwalang nakaamba rin itong magdulot ng trahedya.

Bahagi ng Anti-mining solidarity week ng ATM at iba pang makakalikasan at nagsusulong ng karapatang-pantao na organisasyon ang nasabing protesta. Itinutulak din ng grupo ang pagpapaliban sa mga aktibidad sa pagmimina, pagbawi sa Executive Order 270-A, pagpapawalang-bisa sa Mining Act of 1995, at pagpasa ng Alternative Minerals Management Bill (AMMB)

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply