Mga kriminal pinatutugis ng NCRPO chief

IPINATUTUGIS ng bagong National Capital Region Police Office Director Chief Superintendent Leonardo Espina  ang mga criminal sa Metro Manila upang masugpo ang kriminalidad.

“Kunin na natin ang lahat ng kriminal. ‘Yung mga perwisyo sa society. Kaya natin ‘yan. Iilan lang ang mga ‘yan,” ito ang sinabi ni Espina .

Ayon kay Espina, madali naman umanong makuha ang mga kriminal sa Metro Manila kung tutulong ang mga lokal na pamahalaan at “milyun-milyong” mga mamamayan sa Kamaynilaan sa 17,000 mga pulis ng NCRPO.

Ayon kay Espina, nakatakda niyang pulungin ang lahat ng mga commander ng police districts sa Metro Manila, at pinakapangunahing pag-uusapan nila ay kung paano maibsan ang insidente ng krimen.

Dagdag pa niya, magiging “collective decision” ang gagawin mga operasyon laban sa kriminalidad.

Samantala, dalawa ang magiging “focus” ng kanyang pamamahala sa NCRPO, sabi pa ni Espina.

Una nito ay magiging “pro-active” ang mga pulis sa pamamagitan ng pagpapaigting sa “preventive operations.”

Mas paiigtingin pa umano nila ang pagpapakalat ng mga pulis para sa “prevention campaign” kontra krimen.

Ang pangalawa sa prayoridad na programa ni Espina ay ang pagseguro na may disiplina sa hanay ng 17,000 na mga pulis na nasa Metro Manila.

“Each policeman in NCRPO should always walk with dignity wearing their uniform,” ayon sa hepe ng NCRPO.

“Lahat-lahat ng 17,000 na ‘yan, puwedeng masisira dahil lang sa isang tao. Hindi namin papayagan ‘yan,” sabi pa ni Espina.

Ang tinutukoy ni Espina ay si SPO4 Jose de la Peña, na  isa sa dalawang pulis ng Quezon City Police District (QCPD) na sinubok na kotongan ang kanyang anak kamakailan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply