Mga magniniyog, lumusob sa SC

SUMUGOD sa tanggapan ng Korte Suprema ang mga magsasaka ng niyog mula sa Timog Katagalugan.

Kabilang sa grupo ng magniniyog na lumusob sa SC ay ang Coalition of Coconut Farmers, Katarungan at Alyansa Kanayunan.

Layon umano ng kanilang pagkilos na iparating at hikayatin ang SC na muling buksan ang kaso ng Coconut Levy Fund.

Bukod dito, hinihiling ng grupo na maipagkaloob sa kanila ang 27% ng Coco Levy shares sa San Miguel Corporation na magiging malaking tulong sa kanilang pamumuhay.

Ang pagkakaloob ng 20 porsyento ng San Miguel Corporation kay Eduardo ‘Danding’ Cojuangco, Jr. ay una nang kinatigan ng korte at ibinasura ang mosyon ng mga magsasaka.

Ayon sa grupo, didiretso sila sa Mendiola kung saan naroon ang iba pang rallyista na magsasagawa ng kilos protesta sa paggunita bukas ng ika-40 taong deklarasyon ng batas militar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply