Mga manggagawa, kawani, magdadaos ng protesta sa Kamara

MAGDADAOS ng kilos protesta ang mga manggagawa at kawani ngayong umaga sa Kamara de Representante sa Lungsod Quezon.

Ilang araw bago ang panibagong recess ng Kongreso, magrarali ang daan-daang obrero at ibang namamasukan sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno o KMU.

Nananawagan ang mga manggagawa na huwag tulugan ang isang dekada nang panukalang batas para sa umento ng sahod ng mga manggagawa at kawani.

Tinututulan din nila ang mga panibagong atake sa kanilang sahod, katulad ng two-tiered wage system, sa kabila ng walang humpay na pagtaas ng mga presyo ng bilihin at serbisyo.

Sinunog ng mga manggagawa ang effigy ng bagong wage system, kasama na ang larawan ni Pangulong Benigno Aquino at Labor Secretary Rosalinda Baldoz habang niyugyog naman nila ang tarangkahan ng Batasan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply