Mga manggagawa nagpiket sa Rizal Regional Trial Court

NAGPIKET ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno o KMU sa harapan ng Taytay, Rizal Regional Trial Court sa pagpapatuloy ng pagdinig sa pagpatay sa dati nilang lider na si Rolando Olalia at kasamang si Leonor Alay-ay.

Ayon sa KMU, ginawa nila ito upang ipakita na hindi sila nagsasawa sa paghahanap ng hustisya para kina Olalia at Alay-ay, kahit dalawampu’t apat na taon na ang nakalipas.

Dagdag ng grupo, nangangamba silang hindi mapaparusahan ang mga punong salarin at ang sumukong akusado ay isa lamang sa mga nautusan na paslangin ang lider-obrero.

Itinuturo ng KMU ang Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa o RAM na naghahasik ng terorismo noong panahon ni Pangulong Corazon Aquino.

Dinukot ang mga biktima sa Lungsod Quezon noong ika-13 ng Nobyembre, 1986 at natagpuang patay sa Lungsod ng Antipolo kinabukasan na may mga marka ng tortyur.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply